axl rose

“makuha ka sa tingin,” yun marahil ang una mong iniisip kapag mayroong nangahas sumingit sa napakahaba at tipong magpakailanmang  pila. “mabunggo ka sana,” yun marahil ang panalangin mo sa taong singit ng singit sa traffic habang ikaw ay tahimik na tumatahak sa isang linya ng kalsada. “eto racumin”, yun marahil ang gusto mong ipakain sa mga taong nambalasubas sayo. nais mong pasabugin ang sss dahil sa tagal ng pag proseso sa pensyon mo. ang sarap sigurong i-choke slam ang taong nang aaway sayo. ang gandang pagmasadang nakabitin ng patiwarik ang mga mmda sa flyover ng edsa. ang sarap sigurong ilibing ng buhay ang mga hiphop. tama lang na gripuhan sa tagiliran ang boss mong panay ang pahirap sayo. malapit mo nang batukan ang taong nangungulit sayo… at syempre lahat ng ito ay pawang kuro-kuro lamang na dala ng matinding imahinasyon.

hindi mauubos ang listahan ng mga bagay na nakakabadtrip lalo na kapag sa iyong pananaw, ikaw ay naglalaro ng tapat at malinis.  kailangan lang ng pasensya upang makaiwas sa kapahamakan. sabi nga ni axl rose “all we need is a little patience.” o diba! ginawan pa ng kanta ng guns and roses. uy bestfrend sana mabasa mo ito. alam kong nanlilisik na yung mga mata mo sa galit dahil sa kakulitan ko. pero salamat sa pagtitimpi. libre nalang kita mister kebab sa sabado. tapos libre mo ako ng movie (joke lang). nay, kahit hindi ka marunung mag internet at siento por siento hindi mo mabasa ito, nagpapasalamat ako sa araw araw na ginawa ng poong maykapal hindi ka nauubusan ng pasensya sa akin. tang and ating, takot ako sa inyo kaya di ko kayo masyado kinukulit. (”,)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s