Teflon

Teflon

NOVEMBER 30, 2008

at ngayon naisakatuparan ko nang ayusin ang sirang gate valve ng inidoro sa banyo ng tatay ko. sa sandaling ito, kampante ako na wala ni katiting na tagas sa mga gripo, tubo at iba pang daanan ng tubig sa aming bahay. napakasarap ng pakiramdam, animo’y sugat na tumigil sa pagdugo, naninibughong damdaming nakahinga sa haplos ng minamahal.

may isang linggo rin bago ko napaglaanan ng oras dahil sa tawag ng kabuhayan at mga proyektong may panganko ng isang masaganang pasko. pero hindi na ako ganun kasigasig, di tulad noong nakaraang pasko. pinangako ko sa sarili ko hindi ko na lulunurin ang sarili ko sa trabaho, at maging kasangkapan ng amo. sadyang nakakasilaw ang yamang dala ng isang magandang trabaho, at magandang reputasyon sa publiko. ngunit paglubog ng araw, sa mga simpleng bagay, tulad ng oras kasama ang pamilya o simpleng salo salo kasama ang mga kaibigan makikita ang tunay na ligaya.

gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo…

maliit na bagay lang kung iisipin – ang aking suliranin. sa panahong kasalukuyan, sa mundong nagmamadali at tila laging kinakapos sa oras, ako ay mistulang mangingisda sa gitna ng karagatan. sa gabay ng silaw, naghahanap ng malaking huli at hindi alintana ang pagtakipsilim. ayos lang sana kung malaki ang dalang bangka, kaso hindi. tila hindi na ako makakarating sa dalampasigan dahil sa kakatitig sa yaman ng dagat. hindi sinusunod ng sagwan ang aking kamay, nasa bingit na ang aking lakas, isang gabi nanaman akong matutulog sa gitna ng dagat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s