Tula-la

Tula-la

DECEMBER 16, 2008

para saan pa ang mga tanong, kung wala rin namang maisasagot

mga pangakong napako, mga ala-alang matagal ng limot

sa ala-ala’y bumabalik sa bawat tingin, sa bawat sulyap

anong misteryong bumabalot, na parang banana ketchap?

maghapong nakabantay, nananabik sa tawag mo

sa bawat galaw ng bibig, tinig ng pag ibig -mundo ko ay nasa slomo

pagsapit ng dilim pati sa paghimbing, panaginip ang iyong lihim

pagpatak ng umaga lilipas ang oras sa psp slim

kung alam ko ang daan, hindi na ako magtatanong

minsan ako’y naligaw, at nagtanong sa isang manong

wari ko’y ’sumagot ka ng maayos kung ayaw mong masaktan!’

san’ ang daan papuntang buhay ng walang hanggan?

Advertisements