Kung wala ka

Kung wala ka – reposted link from my old blog.

FEBRUARY 25, 2007

Kasabay ng pagsara ng pintuan ng kwarto ang pag luha ng langit. Ang maghapong kulimlim ay humatong sa nakabibinging tagatak ng tubig sa lumang yero. Ilang araw naring mainit at mahalumigmig ang hangin. Kapara ng damdaming mabuway, sa bawat pintig ng puso bumibilis ang daloy ng dugo. Nasan ka kapag kailangan kita?

Kamusta kana? – kaysarap sambitin ang mga katagang sandamukal ang ibig ipahiwatig. Sa harap ng birhen, ako’y mistulang asong may rabis. Halimuyak na sumisiid sa kaibuturan ng pandama at  ang ngiting pumukaw sa nahihimbing na damdamin – kailan ko kaya muling masisislayan? Sino nga ba ang hindi mababaliw sa panahong ipinagkait? Ngunit sa aking katinuan ako’y bumabalik, kapag ang tinig mo’y narinig.

Tang ina naman. Di na ako natuto. Permanent ink na naman ang pinansulat ko sa puting pisara. Teka, walang koneksyon pero meron. Parang masaya na malungkot. Kontento pero may kulang. Maayos pero pangit. Nasaan ka kapag kailangan kita? Hinihintay ko ang pag baba ng birhen sa pedestal, para tuklasin ang misteryong bumabalot.  Habang ang iba’y magkayakap sa ilalim ng  pulang silaw, sa dilim ako’y naghihintay. Brownout.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s